Espina ginagamit ni Col. Lee; Mga bumbero ‘wag awayin

burdado-jun-briones2

KAMAKAILAN ay nagbabala si PNP Chief  Dir. Gen. Alan Purisima na kanyang parurusahan ang sinomang pulis na gagamit ng kanyang pangalan para mangolekta mula sa mga iligalista.

Dapat lang, parekoy, halos lahat kasi ng hepe o director ng ating kapulisan ay may mga tinatawag na “collector at/o bagman” na nag-iikot sa mga iligalista sa kanilang nasasakupan.

Ang iba sa kanila ay tapat na alagad ng Director at ang iba naman ay mambubukol.

Madaling malaman, parekoy, ang mga mambubukol lamang dahil agad itong pinaiimbestigahan ng director at ipinahuhuli para hindi masira ang kanyang pangalan.

Pero ang tunay na bagman ay hinahayaan lang kahit kalat na sa buong distrito o istasyon ang pangongolekta nito.

Gaya sa Metro Manila, kalat na kalat na ang ginagawang collection activities ni Col. Lee na nagpapakilalang “bagman” ni Gen. Leonardo Espina.

Pero tahimik lang, parekoy, itong Director ng NCRPO.

Ano ba, Gen. Espina, bag-man mo nga ba itong si Col. Lee o binubukulan ka lamang?

Ang laking bukol naman niyan! Aba eh, nasa P3M weekly!

-o0o-

ANIM ang patay sa naganap na sunog sa Project 7, Quezon City sa kasagsagan ng Pasko.

Nakikiramay tayo sa mga biktima ng nasabing sunog.

Huwag sanang mangyari, parekoy, pero kung magbabalik-tanaw ay may naganap na mga sunog sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Kaya naman ibayong pag-iingat ang kinakailangan.

Higit sa lahat, kung sakaling may nagaganap na sunog ay huwag makikipag-agawan ng gamit o hose sa mga bumbero.

Higit po silang may kasanayan sa sunog keysa sa atin.

Tandaan rin po natin na ang mga bumbero ay kakampi natin, kaya huwag silang aawayin dahil lalong napababayaan ang kanilang trabaho.

May mga nasusunugan na galit na galit sa mga bumbero dahil kesyo matagal magresponde o mabagal daw na kumilos.

Lalo na kung maraming lasing, ‘yun na . . . ang iba ay na-gagalit at may mga umeepal dahil nga sa mataas ang tensyon sa ganitong pangyayari.

Pero tandaan po natin, hindi sila si Superman o Batman!

Kaya ko po ito isinulat dahil kung hindi naging magulo ang ibang mga lasing sa naganap na sunog sa Kyusi ay baka mas naging mabilis ang kilos ng ating mga bumbero!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply