Espino at Espina: Jueteng lord at gambling protector (2)

burdado-jun-briones

BAGAMA’T magkaiba ang paraan, parehong itinanggi nina Espino at Espina ang mga paratang sa kanila.

Si Gov. Amado Espino, Jr., ay tumanggi sa pamamagitan ng press ‘conference’ na sinabing hindi totoo na siya ay isang jueteng lord.

Si NCRPO chief Gen. Leonardo Espina naman ay sa pamamagitan ng mga nagpakilalang tauhan niya na kumontak sa atin at nagsabing hindi totoong gambling protector ang heneral dahil wala umano itong basbas sa weekly collection nina Col. Lee.

Kay Gov. Espino: Ang ginamit niya mismo sa jueteng operation na sina Bugallon Mayor Rodrigo Orduña at Fernando “Boy Bata”
Alimagno ang nagpapatunay sa pagiging jueteng lord ni Gov. Espino.

Kaya nga tagilid, parekoy, dahil talaga namang idiniriin siya ng mga ito.

Kay Gen. Espina: Ang nagpapakolekta mismo na si Col. Lee na nagpapakilalang bata ni Gen. Espina ang makapagpapatunay sa pagiging protector ng nasabing NCRPO chief.

Kaya lang tiyak na itatanggi siya nito kung magkaipitan at ngayon pa nga lang ay may mga palusot na wala umanong basbas ang nasabing collection ng grupo ni Lee na umaabot sa P3M tuwing Biyernes!

Sa ngayon, pawang akusasyon pa lamang ang mga ito, pero dahil sinampahan na ng “plunder case” sa Ombudsman si Gov. Espino, malilinis lamang niya ang kanyang pangalan pagkatapos siyang imbestigahan ng Ombudsman.

Si Gen. Espina naman ay mas madaling patunayan na siya ay hindi totoong gambling protector sa Kamaynilaan!

Walang Ombudsman na nag-iimbestiga sa kanya.

Bagkus, siya dapat ang magsagawa ng masusing imbestigasyon dito sa ginagawang weekly collection nina Col. Lee na nagpapakilalang collector umano ng NCRPO.

Hangga’t hindi nililinis ng Ombudsman si Gov. Espino ay patuloy ang paniniwala na siya ay isa ngang jueteng lord.

At hangga’t hindi rin pinaiimbestigahan ni Gen. Espina itong si Col. Lee ay hindi niya malilinis ang kanyang pangalan sa paratang na siya ay isa ngang gambling protector!

At hangga’t umiikot sa mga iligalista ang grupo ni Col. Lee tuwing Biyernes ay patuloy muna ang aking paniniwala!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply