Espino at Espina, jueteng lord at gambling protector

burdado- jun briones

PERSONAL tayong naniniwala, parekoy, na may totoo rito sa dalawang paratang.

Posible rin na parehong totoo o kaya naman ay isa lang ang swak na swak!

ESPINA – Umugong ang ulat na si Gen. Leonardo Espina ay ipinangongolekta ng grupo ni Col. Lee mula sa mga iligalista sa NCR.

Ayon sa ulat, hindi bababa sa tatlong milyon tuwing Biyernes ang remittance ni Col. Lee sa kanyang hepe.

Karamihan sa mga ito ay mula sa iligal na sugal. Ibig sabihin, kapag tumanggap ka mula sa iligal na sugal ay isa kang protector!

Katangahang  isipin, parekoy, na ipinangongolekta ka ng iyong tauhan nang hindi mo alam.

Kagaguhan naman kung binas-basan mong ipangolekta ka ng iyong tauhan pero ayaw mong tawagin na isa kang gambling “protector!”

Protector o tanga?

Which is which? Hindi tayo naniniwalang “none of the above.”

Posible pa siguro kung iisiping “all of the above”!!!

Anong say mo, Col. Lee?

ESPINO – Sumambulat na, parekoy, mula mismo sa bibig ng isang alkalde na dati siyang nagpagamit sa puwet, este kay Gov. Amado Espino Jr. sa talamak na “jueteng” sa kanilang lalawigan, sa Pangasinan.

Katunayan inginuso na ni Judas ang mga tao na ginamit (ginagamit)  ni Gov. Espino sa kanilang iligal na gawain.

Sa mga taga-Pangasinan ay kilala na nila na sina Romy Lahara at Lito Millora ay datihan nang mga gambling lord.

Kaya posible na nagpakanlong na lang sila sa “lord of the rings!” Hak, hak, hak!

Ito namang sina Fernando “Boy Bata” Alimagno at Bong Cayabyag ay mga dating kilala
na “bookies king” lang.

Kung tawagin ay front lamang ng isang makapangyarihang nila-lang sa Pangasinan!

‘Yun nga lang, parekoy, naging pareho ang kategorya ng gambling lords at bookies kings simula nang umupo sa trono ang lord of lords at king of kings!

Pero hindi gaya nang nangyari sa tunay na Lord kung saan  tatlong beses siyang itinanggi ng kanyang alagad na si San Pedro, dito naman ay boluntaryong “itinuga” si Gov. Espino ng kanyang alagad!

Sandali, parekoy, napalaot na tayo ng husto, balikan natin ang unang katanungan.

Sino kaya kina Espina at Espino ang swak sa bintang?

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply