Estratehiya sa RH, ikinakasa na

rep.-boyet-gonzeles

NAGHAHANDA na ng bagong pamamaraan o estratehiya ang liderato ng Kamara para tiyak na mailulusot ngayong Linggo sa plenaryo ang kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Sa isang press conference, sinabi ni House Majority Leader Neptali “Boyet” Gonzales na puspusan ng inihahanda ng liderato ng Kamara upang tuluyan ng mapagbotohan ng mga kongresista ang RH bill, ito ay pagpapasa o pagbabasura.

Nairitang sinabi ni Gonzales na masyado ng nagsasayang ng panahon ang mga kongresista kung kaya nararapat lamang na tapusin na ito bago pa man mag-Christmas break ang Kongreso.

Kumbinsido si Gonzales na patuloy na isusulong ng mga kongresistang tutol sa RH bill ang delaying tactics upang madiskaril ang botohan.

Aniya, kung magkakaroon ng botohan sa lalong madaling panahon ay maliit lamang ang ilalamang o ipupuntos ng magkabilang panig.

Dahil dito, hinamon ng ni Gonzales ang mga anti-RH congressmen na i-terminate na ang period of amendments upang magkaalaman na kung ano ang magiging kapalaran ng RH bill.

Sa ngayon, nasa ikalawang pahina pa lamang ng may 27 pahinang panukala ang pag-amyenda ng mga kongresista kasunod ng botohan na huwag ng hayaang makapagsalita pa sa plenaryo ang tutol sa RH bill na si Palawan Rep. Victorino Dennis Socrates.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply