Estrella Flyover sa Makati, bubuksan ng MMDA sa publiko ngayong Pasko

BUBUKSAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang two-way traffic sa EDSA Estrella Flyover sa Makati para makatulong na mabawasan ang pagbibigat ng trapiko na naturang lugar.

Ayon sa MMDA, layunin nila na makatulong na maibsan ang mabigat na daloy ng mga sasakyan ngayong panahon ng kapaskuhan bunsod sa pagdagsa ng mga tao.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, bukas ang two-way traffic sa Estrella flyover mula alas-10:00 ng umaga simula Lunes hanggang sa Biyernes ng papasok na linggo.

Ang Estrella flyover ang nag-uugnay sa mga motorista mula EDSA patungong Rockwell Center maging ng mga manggagaling ng Global City sa Taguig at central business district ng Makati.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply