Estudyante malubha sa pananaksak

emergency

NASA malubhang kalagayan ang isang menor de edad na estudyante matapos saksakin ng apat na hindi pa kilalang lalaki sa madilim na bahagi ng Park Kalubihan sa Barangay Sinolon, bayan ng Tboli, South Cotabato kagabi.

Batay sa pagsisiyasat ng Tboli PNP, ang biktima kasama ng dalawang kaibigan na babae ay naglalakad pauwi na sa kanilang tahanan sa Barangay Calis.

Nabatid na galing sa isang disco party ang magkakaibigan at papauwi na nang biglang sumulpot ang mga suspek na armado ng patalim.

Walang sabi-sabing pinagtulungang saksakin ng mga suspek ang biktima sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Matapos ang pananaksak, tumakas ang mga suspek at dinala agad sa pagamutan ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply