Ex-ARMM Gov. Zaldy Ampatuan hiniling makapagpiyansa

HINILING ni  Maguindanao Massacre suspect at dating Autonomous Region in  Muslim Mindanao (ARMM) governor Zaldy Ampatuan sa korte  na payagan siyang  makapaglagak ng piyansa  para sa kanyang  pansamantalang  kalayaan  matapos  basahan ng sakdal.

Sa dalawang pahinang  motion na inihain sa Quezon City Regional  Trial Court  Branch 221, ng abogado nito na si Atty. Sigfrid Fortun, hiniling niya kay Judge  Jocelyn  Solis-Reyes  na payagan  itong  makapaglagak ng  piyansa  para  sa  kanyang kasong  kinakaharap.

“Case law teaches that before conviction, every person can post bail except if charged with capital offenses when the evidence of guilt is strong,” ayon  sa  inihaing motion.

Nauna  rito, nitong  nakalipas na Miyerkules  nagpasok  ng  not  guilty  si Ampatuan   sa  kinaharap  na kasong multiple  murder na isinampa sa  kanya.

Si Ampatuan ay pang-82  katao  na  inaresto  at  nabasan  ng  sakdal    kaugnay  ng Maguindanao massacre  na ikinasawi ng 58 katao kabilang ang 32 media  practitioners.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply