Ex-CJ Corona binigyan ng ultimatum ng DOJ

DOJ

NAGLABAS na ng ultimatum ang Department of Justice (DOJ) laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona upang harapin ang kaso.

Si Corona ay binigyan ng hanggang Biyernes (Disyembre 21) para humarap sa panel of prosecutors na may hawak sa Tax Evasion Case na isinampa laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang ibinigay na ultimatum ay ng DOJ ay kaugnay pa rin sa hindi pagsipot ni Corona sa preliminary investigation sa kinakaharap na kaso dahil sa trangkaso.

Nabatid na kailangan panumpaan ni Corona ang rejoinder o sagot nito sa mga alegasyon ng BIR.

Matatandaang pinagbigyan ng panel ang hiling ng abogado ni Corona na bigyan ang kanyang kliyente ng hanggang Biyernes para humarap sa pagdinig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply