Ex-CJ Corona hindi sumipot sa pagdinig sa tax evasion case

cj-corona-2

HINDI sumipot ngayong araw si dating Chief Justice Renato Corona sa itinakdang pagdinig ng Department of Justice sa tax evasion case na isinampa laban sa kanya.

Sa itinakdang preliminary investigation ay panunumpaan sana ni Corona ang isusumiteng rejoinder o sagot sa mga alegasyon ng Bureau of Internal Revenue o BIR.

Nabatid na nagkaroon umano ng lagnat o flu ang dating chief justice.

Ayon sa pinuno ng panel of prosecutors na si Senior State Prosecutor Roseanne Balauag, na dumidinig sa kaso, hiniling ng counsel ni Corona na si Atty. Anacleto Diaz na itakda na lamang sa Biyernes ang susunod na pagdinig.

Pinahintulutan naman ng lupon ang naturang mosyon subalit nagbabala si Balauag sa kampo ni Corona na magiging huling araw na iyon ng paglilitis sa kaso ng tax evasion laban sa dating Chief Justice, dumating man siya o hindi.

Tiniyak ni Balauag na idedeklara na nilang deemed submitted for resolution ang kaso.

Si Corona ay ipinagharap ng tax evasion case ng BIR dahil sa sinasabing hindi tugma ang deklarasyon niya ng kayamanan sa Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply