Ex-convict todas sa SWAT

crime-scene-chalk-mark

TODAS ang isang dating bilanggo makaraang mabaril ng isang miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng Cebu City Police Office.

Nagtamo ng tatlong bala ng baril ang nasawi na si alyas “Onyot” sa kanyang dibdib makaraang mabaril ni Senior Police Officer 2 Renante Nioda sa Sitio Motra sa Barangay Tisa, Cebu City.

Pahayag ni Nioda, rumesponde lang siya nang mahuli ang isang armadong lalaki, kasama ang nasawi at dalawang iba pa sa isang pot session.

Samantala, nagtamo naman ng sugat sa ilong si Nioda nang manlaban ang suspek kung saan hawak-hawak pa ang isang granada na masuwerteng hindi sumabog.

Nakuha sa mga suspek ang ilang drug paraphernalia at isang homemade gun.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply