Ex-cop utas sa 6 maskaradong kalalakihan sa QC

crime3

PARA hindi madamay ang kanyang pamilya, pinili ng isang dating pulis na magpabaril na lamang sa anim na maskaradong kalalakihan na sumalakay sa kanyang apartment sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Nagtamo ng halos 20 tama ng bala mula sa kalibre 45, 9mm at armalite at namatay noon din ang biktimang si SPO4 Constantino Garipicadan na dating miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Lulan ang anim na suspek na nakasuot ng bonnet sa tatlong walang plakang motorsiklo.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Marlon dela Vega, naganap ang insidente dakong 10:30 nitong Linggo ng gabi sa loob mismong bahay ng biktima sa Sto. Nino de Payatas, Q.C.

Ayon sa ayaw magpakilalang dalagitang anak ni Garipicadan, bago ang insidente ay may nambato sa kanilang bahay kaya lumabas ang kanyang tatay para tingnan kung sino ang nag-itsa ng mga bato.

Paglabas na paglabas aniya ng kanyang tatay,  binaril agad ito sa balikat pero nakapasok pa rin ito sa kanilang bahay at dinala ang kanyang nanay at mga kapatid sa kanilang kuwarto para huwag tamaan ng putok.

Pero nang hindi aniya tumigil ang pagraratrat at nakaramdam ng panganib para sa kanyang pamilya, lumabas ang kanyang tatay na siyang target ng mga suspek at sinalubong ang mga putok ng baril.

Blangko pa ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kung ano ang motibo sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply