Ex-kagawad patay sa riding-in-tandem

PATAY ang isang dating kagawad ng barangay matapos barilin ng isa sa dalawang mga suspek sakay ng motorsiklo habang ang una ay nagpapalipas ng tama ng alak sa Malabon City kagabi, Disyembre 1.

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo si Epifanio Calalang, 48 ng Roman st., Encarnacion subd., Niugan ng lungsod.

Ginagamot naman sa Tondo Medical Center sanhi ng tama ng bala sa katawan si Eleazar Gallega ng Dulong Hernandez st., Catmon ng lungsod habang nakatakas ang kasamang nakilala lang sa alyas na Joel.

Sa ulat, dakong alas-9:20 ng gabi, nakaupo sa labas ng kanilang tindahan ang biktima upang magpalipas ng lasing nang dumating ang mga suspek kung saan bumaba ang nakaangkas at lumapit at binaril sa ulo si Calalang na naging dahilan upang dalhin sa MCU.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek subalit nasabat at nakipagbarilan sa mga pulis na reresponde na naging dahilan upang tamaan si Gallega habang nakatakas ang kasama.

Nag-iimbestiga na ang mga pulis upang alamin ang motibo sa pamamaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply