Ex-NFA administrator Banayo handang humarap sa Senado

TINIYAK ni dating National Food Authority (NFA) administrator Lito Banayo na handa siyang humarap sa Senado kaugnay sa rice smuggling sa bansa.

Ang pagharap sa Senado ni Banayo ay kaugnay sa alegasyon ni Simeon Sioson ng San Miguel Agri Venture Multi-Purpose Cooperative na utak siya ng rice smuggling sa Subic Bay Metropolitan Authority.

Ayon kay Banayo, ang dahilan ng pagdawit sa kanya ni Sioson ay ang palagi nitong pagkatalo sa mga bidding ng kanilang ahensya para sa pag-iisyu ng import permit para sa mga bigas na mula pa sa ibang bansa.

Sinabi pa nito na noong bago pa lang siya sa ahensya ay nilapitan siya ni Sioson dahil sa kagustuhan nitong makabili ng NFA rice na
i-negotiate lang ang presyo at hindi na idadaan pa sa bidding.

Aniya, simula noong mahigpit nilang ipatupad ang bidding sa import permit ay bumagsak ang importasyon ng bigas pero tumaas naman ang income ng gobyerno.

Una nang sinabi ni Sioson sa hearing ng Senate Committee on Agriculture and Food na si Banayo ang dahilan sa walang patas na
distribusyon sa mga kooperatiba sa inangkat na bigas dahil sa palagian nitong pagpabor sa kooperatiba ni Elizabeth Faustino sa Biklat, San Miguel, Bulacan.

Matatandaang nagbitiw sa puwesto si Banayo dahil sa hangarin nitong pagsilbihan ang kanyang mga kababayan sa 1st district ng Agusan del Norte at tatakbo ito sa pagkakongresista.

Ibinulgar din ni Sioson na karamihan sa mga kooperatiba ay nagamit lamang bilang dummy.

Kasabay ng kanyang pagbubunyag, umapela si Sioson ng seguridad na agad namang tinugon ng Senado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply