Ex-PNB exec ng CDO hinatulan ng 105 taong pagkabilanggo ng Sandiganbayan

philippine-national-bank

HINATULAN ng Sandiganbayan ng 105 taong pagkabilanggo ang dating mataas na opisyal ng Philippine National Bank (PNB) dahil sa pandaraya sa tseke na nagkakahalaga ng milyong piso nitong nakalipas na 1995.

SA 71 pahinang desisyon na ibinaba ni Associate Justice Rafael Lagosa at sinang-ayunan nina  Associate  Justice Efren dela Cruz at Rodolfo Ponferrada ng Anti-Graft Courts  First  Division napatunayang si Herman Limbo, PNB’s Assistant Dept. Manager ng Cagayan de Oro City branch ay  guilty ng paglabag sa Section 3 ng Republic Act no. 3019 ng 15 counts at hinatulan mabilanggo ng tig-6 na taon hanggang 7 taong pagkabilanggo at hindi na maaari pang pumasok sa public office.

Bukod sa pagkakabilanggo pinagbabayad din ng korte  si Limbo na bayaran ang gobyerno ng halagang P35 milyong kasama ang interest nito sa 7 kaso.

Si Limbo at ang PNB Asst. Vice President Erlinda Archinas na nananatiling nakalalaya ay pangunahing akusado sa 16 na informations na isinampa sa korte dahil sa pagpapahintulot na  ma-encash ang 49 out-of-town checks na labag sa PNB policy at Bangko Sentral ng Pilipinas regulations.

Ayon sa rekord sina Blan Sabanal at Ma. Lourdes Escoro, dating empleyado ng PNB CDO dating  government bank na isangkot sa 16 na Informations, kabilang ang mga valued clients na sina Cecilia Li, Rebuan Saripada, Rosita Mejia at Jesus Louis at Trinidad Lee ay isinangkot sa kaso dahil umano  sa pakikipagsabwatan sa public officers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply