Exemption sa pagbabayad ng buwis sa home-based businessmen ipatutupad sa Marikina

business-tax

UPANG higit pang makahikayat ng maraming negosyante na magnegosyo sa lungsod, ang lokal  na pamahalaan ng Marikina sa pangunguna ni Mayor Del De Guzman ay magbibigay ng exemption sa maliliit at home-based na mga negosyo mula sa pagbabayad ng business tax sa taong 2013.

Batay ito sa nakasaad sa ipinasang Ordinansa Bilang 58, Serye ng 2012 o kilala bilang “Ordinance granting exemptions to small and home based business owners from payment of business tax in the city of Marikina.”

Sakop ng nasabing ordinansa ang mga maliliit at home-based na mga  negosyo na may kabuuang kapital na hindi tataas sa PhP10,000.

Dagdag pa rito, lahat ng nagmamay-ari ng negosyo na muling kukuha ng kanilang lisensya sa negosyo at may taunang kita na hindi tataas sa PhP50,000 ay makakatanggap rin ng exemption sa pagbabayad ng business tax.

Subalit, ang mga may-ari ng negosyo ay kinakailangan pa ring magbayad ng iba pang mga bayarin na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan bilang pagsunod sa ibang pang batas na itinatadhana ng mga ordinansa ng lungsod.

“Ipinasa natin ang ordinansang ito upang magbigay ng bagong oportunidad sa mga negosyanteng nais magtayo ng kabuhayan dito sa ating lungsod. Bukod sa pandagdag sa puhunan, inaasahan nating makatutulong ang exemption na ito upang makapagbukas ng dagdag na hanapbuhay ang ating mga residente,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Para sa iba pang impormasyon hinggil sa nasabing ordinansa maaaring makipag-ugnayan sa Business Permits and Licensing Office (BPLO)  sa numero bilang (02) 646-2354.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply