Fake titles bubuhayin uli vs mga Villar

_raul valino

MUKHANG mabubuhay na muli ang isang issue laban sa mga Villar ng Las Piñas, ang pagkakasangla ng mala-king lupain sa Norzagaray, Bulacan na ayon sa gobyer-no ay hindi tama dahil forest land daw ang mga ito.

Milyon-milyong piso ang involved sa kontrobersiya na ito.

Ang lupang ito at iba pang katulad na lupain sa iba pang mga probinsiya ang ginamit daw ng Capitol Development Bank (CDB) bilang kabayaran sa emergency loan na ipi-nagkaloob ng Bangko Sen-tral ng Pilipinas (BSP) sa CDB.

Noong 2010, ang noon ay officer-in-charge bilang assistant secretary of legal affairs na si Atty. Agustin Q. Javellana ay sumulat sa noon ay Solicitor General na si Alberto C. Agra ukol sa panukalang reklamo laban sa Bangko Sentral at re-gister of deeds ng Bulacan  hinggil sa lupaing naisanla sa BSP.

Sa draft complaint na isi-nulat ni Javellana, ang re-commendation ay ang can-cellation ng original cer-tificate of title (OCT) at ka-hintulad ng mga titulo sa Norzagaray na considered forest lands.

Ayon din sa recommen-dation, dapat nang idemanda sa korte ang mga sangkot sa sinasabi niyang mga lupain.

Lalagpas na ng dalawang taon ang recommendation na ito subalit wala pang kasong naisasampa ang Office of the Solicitor General, at maski na ang Ombudsman.

Hindi ko naman sinasabing ito ang tunay na grandparent of all scams, mas malaki pa sa triple your money scam sa Mindanao.

Pero sa laki ng perang involved dito, P331 million, ay dapat na ring bigyan ng pansin ni Pangulong Noy ang kasong ito.

Paano ba na-involve rito ang mga Villar?

Noong April 22, 1998 kasi ay pumirma ng promis-sory note si Cynthia Villar na noon ay pangulo ng CDB, at si Anacordita H. Magno, first vice president ng naturang bangko, na babayaran ng CDB ang utang nitong P1.17 bilyon.

Bilyon, hindi lamang milyon ang usaping ito, Pangulong Noy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply