Fench national nanggulpi ng parak, kinasuhan

SINAMPAHAN na ng kasong alarm and scandal at assault against person in authority ang isang lasing at nagwawalang French national makaraang gulpihin ang isang pulis na rumesponde sa gulo sa isang bar sa Makati City.

Nasira ang uniporme at nagkapasa ang katawang ng pulis na si Police Officer 1 June Cabrera matapos subukang pigilan ang nagwawalang French sa harap ng Argos Bar sa kahabaan ng P. Burgos Street, Barangay Poblacion, Makati City bandang alas 11:15 ng gabi

Ayon kay Makati Police Chief Senior Superintendent Manuel Lukban Jr., isang bantay bayan ang humingi ng tulong si PO1 Cabrera dahil sa pagwawala ng dayuhan.

Pero nang tangkain nitong pakalmahin ang dayuhan, nag-dirty finger, pinagmumura at pinagtatadyakan nito ang pulis ikinasira ng kanyang uniporme.

Kakasuhan naman ng alarm and scandal at assault against person in authority ang foreigner na kinilalang si Marcel Albaracin, 60 na nananatili naman sa Makati Medical Center matapos tumaas ang blood sugar.

Ayon kay Lukban inabisuhan na nila ang French embassy sa pagkaka-aresto kay Albaracin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply