FEU killings pinatutukan ni Mayor Lim

jerald-ramos

INATASAN ni Manila Mayor Alfredo Lim ang Manila Police District na masusing imbestigahan ang pamamaril at pagpatay sa dalawang estudyante ng FEU at ikinasugat ng isa pa.

Bukod dito, ipinakukuha na rin ng alkalde  ang kopya ng CCTV ng Philtrust Bank na malaki ang maitutulong para makilala ang mga salarin.

Kaugnay nito, humingi ng tulong sa alkalde ang pamilya, mga kaklase at kaibigan  ng biktimang si Juan Paulo Nepomuceno, 17, fine arts student ng 340 Jhocson St. Sampaloc, Maynila para mahuli ang salarin.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon at follow-up operation ang mga tauhan ng MPD-hs.

Bagamat blangko pa rin ang pulisya sa motibo  sa pamamaril sa mga biktima, sinasabing posibleng may kaugnayan ang krimen sa away-fraternity.

Nabatid na hindi rin nakuha ng MPD-hs ang kooperasyon ng pamunuan ng FEU.

Magugunita na kasama ni Nepomuceno ang namatay na sina Jerald Ramos, 21 ng 540 Juan Luna St., Binondo, Maynila at Adrian Joseph Santiago, 17, ng 415 Poblacion Baliwag, Bulacan nang salubungin at pagbabarilin ng suspek habang papatawid ng kalsada sa panulukan ng Nicanor at R. Papa St. Sampaloc, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa UST hospital sina Nepomuceno at Ramos, habang ginagamot sa Mary Chiles Hospital si Santiago.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply