Filipino family under attack

abiso-marikenyo-paul-edward-sison-online

NAKALULUNGKOT.

Unti-unting natutulad na tayo sa Amerika at di pa natin napapansin.

Hindi man tayo mayaman na bansa, may angking yaman naman ang Pilipinas pagdating sa ating kultura at pamumuhay.

Sinasabi nila na close-knit family tayong mga Filipino. Ibig sabihin nito matindi ang support mechanism natin dahil we take care of our own.

Inaalagaan natin ang ating kadugo. Kung sa Amerika, wala ka nang silbi pag tumanda ka na at mismong anak mo pa ang maghahatid sa iyo sa retirement homes, dito sa atin nag-aagawan pa tayo kung sino ang mag-aalaga kina Lolo at Lola!

Matriarchal society ang Pilipinas. Sa bahay, ang nanay ang siga at nasusunod. Tama po ba? Sa totoo lang, ‘di na natin kailangan ‘yang mga gender-equality, women’s rights na galing sa ibang bansa kasi mataas ang tingin at respeto natin sa ating mga kababaihan.

‘Di na pinagdedebatihan na mahusay ang babae kasi sila ang nagpapatakbo ng ating mga tahanan. At dito sa Pilipinas, maraming Andres…mga under sa asawa.

Natawa ka … pati rin ba ikaw? Pero, tama, ‘di po ba?

Pagdating naman sa ating mga anak, iba-iba ang ating pamamaraan pero kadalasa’y epektibo naman sa pagpapalaki sa kanila nang may disiplina. Hindi natin kailangan ‘yang mga kung ano-anong karapatan tulad ng ginawang batas ni Sen. Francis Pangilinan, atbp.

Nagtataka pa sila sa Amerika bakit maraming suwail at nagkawindang-windang ang mga kabataan nila – eh sila rin ang may kasalanan.

Gusto niyo bang matulad tayo sa Amerika na ‘di mo pwedeng disiplinahin ang iyong anak dahil puwede kang idemanda nito? Unti-unti nang nawawala ang respeto ng ating kabataan sa mga nakatatanda.

Napakahusay ng ating mga kababaihan dahil ang pamilya at kapwa ang nasa sentro ng buhay nila – hindi ang sarili.

Selfless, ganyan ang Filipina. Gusto ba nating matulad sa Amerika na sarili lamang ang nasa sentro ng buhay? Eh ‘yan ang tinuturo nila sa atin sa pamamagitan ng mga front at lobby group nila. Ang gandang pakinggan — women’s rights, right to choose, pleasurable sex, atbp.

Kapag wala nang respeto ang bata sa matanda, at naging makasarili na ang ating kababaihan — diyan na magsisimulang mawala ang identity nating mga Filipino at matutulad na tayo sa iba na sira ang moral fiber.

Pag sira na rin ang ating moral fiber, goodbye na rin sa close-knit at extended families. Goodbye sa one big happy family. Goodbye sa mga po at  opo galing sa mga bata. Goodbye sa ating mga ilaw ng tahanan.

Goodbye na kina lolo at lola.

Ang ganda ng pamilyang Filipino. Kakaiba. Bakit gusto ninyong matulad sa pamilyang dysfunctional?

Ito ang maling klase ng colonial mentality.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply