Film festival gaganapin sa Taguig

TIYAK na dudumugin ng libo-libong movie goers sa Taguig ang mga sinehan na matatagpuan sa Market! Market! kung saan nakatakdang ipalabas doon ang mga bagong foreign at local films na aabot sa 50 ang maaaring pagpilian na magsisimula sa Disyembre 5 at tatagal hanggang sa Disyembre 11 ngayong buwan ng kapaskuhan.

Ayon kay PIO Chief Atty. Darwin Icay, nakaagapay aniya ang lokal na pamahalaan ng naturang lungsod sa mangyayaring 14th CineManila International Film Festival, na magpapalabas ng ‘di birong dami ng mga pelikula na kinatatampukan ng mga sikat na artista maging sa Hollywood man o local film industry ng bansa.

Gustong tulungan ni Mayor Lani Cayetano ang lokal na industriya ng pelikula, hangad din nito na maaliw ang mga mamamayan pagkaraang bayuhin ito ng natural calamities at iba pang problema sa buhay.

Ayon kay Cayetano, karamihan sa mga Filipino ay may sariling pamamaraan upang aliwin ang kanilang pamilya tuwing sasapit ang buwan ng kapaskuhan at isa na aniya roon ang ginagawa nitong pagtangkilik sa pelikula ng kanilang mga paboritong artista.

Sa film festival, mapapanood ang mga ginawang pelikula ng ating mga renowned film Directors na sina Lav Diaz, Raya Martin at Sherad Anthony Sanchez.

Pagkakalooban din ng parangal sa nasabing kasayahan ang mga yumao at batikang Director na sina  Marilou Diaz-Abaya at Mario O’ Hara na lumikha ng mga pelikulang Brutal, Muro-Ami, Jose Rizal at marami pang iba.

Sinabi ni Cayetano na ang Harana-inspired Red Carpet Awards Night ay nakatakdang ganapin sa Bonifacio High Street Central Amphitheater sa darating na December 8 kung saan ay mapapakinggan ang mga antigong awitin na sumasalamin sa pag-iibigan ng magkasuyo.

Mapapanood din aniya ang documentary film na “Harana” na gawa ni Benito Bautista.

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply