Finnish nag-amok sa bar sa Maynila

ISANG Finnish ang nag-amok at tumalon pa mula sa bubong ng isang bar at bumagsak sa isang kotse sa Malate.

Nabatid na bigla na lang nagwala ang dayuhan na hindi pa batid ang pangalan na sinasabing mixed martial arts expert na six-footer kung kaya inawat ito ng mga bouncer at mga tambay sa kalye.

Ngunit dahil sa laki at taglay na lakas, walang nagawa ang mga umawat na sina Eduardo Pilpa at Gilbert Akotakot dahilan upang mapuruhan sila ng tadyak at mga suntok.

Umakyat ito sa bubong ng bar saka tumalon at bumagsak sa nakaparadang Honda City na bahagyang nayupi.

Balak na sanang kasuhan ang banyaga ngunit nahimasmasan naman at nakipag-areglo na lamang sa mga naperhuwisyo nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply