Firecracker-related incidents, minomonitor na ng DOH

NGAYONG araw, sisimulan ng Department of Health (DOH) ang pagmomonitor sa firecracker-related incidents kaugnay sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at pagsalubong ng bagong taon.

Una nang inilunsad ng DOH ang Oplan “APIR”o “Aksyon: Paputok Injury Reduction” bilang bahagi ng kampanya kontra paputok na target ng kagawaran na mapababa ang kaso ng mga biktima ng paputok tuwing pasko at bagong taon.

Partikular na sentro ng kampaya ang mga bata na nasa edad na 6 hanggang 10 taong gulang dahil batay sa statistics noong 2011 ay nakapagtala ng 274 na bata na mga biktima ng paputok.

Upang makaiwas na maputukan ng kahit na anong klase uri ng paputok ay inilunsad na rin ng DOH ang alternatibong paraan gaya ng pagsasayaw ng “Gangnam Style” o kaya gumamit na lamang ng torotot.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply