Food allowance ng mga preso sa NBP, inialay sa mga biktima ni ‘Pablo’

ISINAKRIPISYO ng mga bilanggo ng National Bilibid Prisons (NBP) ang kanilang food allowances para sa tatlong araw, o mula Disyembre 24 hanggang 26, upang makapag-donate lamang at maiparamdam ang tunay na diwa ng Pasko sa mga biktima ni bagyong Pablo sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA), nagdesisyon ang mga inmate ng NBP na i-sakripisyo ang food allowance bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Aquino, na tulungan ang mga typhoon victims.

Nabatid na bumuo ang mga inmates ng Maximum Security Compound ng “Operation Kalinga sa Kapwa: Tulong sa mga naulila at biktima ng trahedya na dulot ng Bagyong Pablo” kung saan layunin nilang i-donate sa mga biktima ng bagyo ang kanilang tatlong araw na food allowances at mga subsidies.

“This Kalinga sa Kapwa is a fasting –a form of sacrifice, wherein the inmates will skip their meals in three days in promotion of the concept of the Restorative Justice, as well as in response to the Aquino administration’s call to help the victims of typhoon Pablo,” pahayag pa ni Pabillo.

Maging ang iba pang cash donations at food items na inilaan para sa pagdiriwang ng Pasko ng mga inmate sa kani-kanilang dormitoryo at mga organisasyon ay ipinambili na lamang din umano ng “Relief Goods” para sa mga biktima ni Pablo.

“They [inmates] authorized the Budget and Finance Division of the Bureau of Corrections (BuCor) as well as the resident COA Auditor to deduct the amount covering the three-day Kalinga sa Kapwa from their food subsidies and allowances and to remit to the Social Secretary of the Office of the President in Malacañang to be cared of by the BuCor Chaplaincy or by Sr. Zenaida Cabrera, SHE, Caritas-Restorative Justice Ministry,” dagdag pa ni Pabillo.

Ang mga maiipong pondo naman ng mga inmates mula sa kanilang fund raising projects at donasyon ng mga used clothes at mga personal belongings na maaaring magamit ng mga biktima ni Pablo ay idu-donate rin nila.
Pinuri naman ng mga opisyal ng NBP ang aksyon ng mga inmates dahil malaking tulong umano ang mga ito sa mga nabiktima ng bagyo.

Inaasahan namang makakakain pa rin umano ang mga inmate sa nasabing tatlong araw dahil pagsasalu-saluhan ng mga ito ang mga pagkaing dala ng kanilang mga bisita na dadalaw sa kanila ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Kaugnay nito, hinimok naman ni Pabillo si Pangulong Aquino na bigyan ng kahalagahan at prayoridad ang mga inmate.

Matatandaang umani ng batikos ang pangulo mula sa simbahan dahil sa mistula umanong pagbalewala nito sa mga bilanggo, na ang ilang may malalang karamdaman at matatanda na, ay namamatay na sa bilangguan bago pa man malagdaan ang kanilang parole papers.

Ayon sa CBCP, simula umano ng maging pangulo, wala pa umanong bilanggo na binigyan ng conditional pardon si PNoy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply