Food and Drug Administration maling sistema at masamang ugali

hilda-online-logo

NAKATAWAG  ng pansin ang mga hinaing ng mga “Drug, Food and Cosmetic Industries” kapag sila’y nasa Food and Drug Administration.  Hanggang kailan daw sila magtitiis?

Mararanasan ang mga sumusunod na di mabuting pamamalakad ni Administration Chief Gomel Gabuna ng FDA.

Mga dapat baguhin at pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan sa FDA na may kinalaman sa mga isyung sumusunod:

1. Ang marumi at di presentableng gusali ng naturang ahensiya. Bawat opisina ay walang kaayusan lalo na ang mga toilet, walang tubig, walang flush, nakasusulasok ang amoy at tunay na napakarumi.

2. Ang Cashier window nagsasara ng 4:00PM dahil kailangan daw nilang magbalanse. Alam kaya ng Civil Service Commission ang pag undertime ng FDA? Nawawalan ng katuturan ang paghihirap ng mga tao, umaga pa lang ay nakapila na at basta na lang isasara ang bintana. Hindi nila naiisip galing sa malalayong lugar ang mga customer nila.
(Gasolina, pamasahe, tollgate at buong araw sa FDA walang nangyari).

3. Hindi ginagamit ni Chief Gomel Gabuna ang “Digital Cue Number Machine”. Hindi nalalaman ng mga nakapila kung anong number sini-served. Kapag hindi narinig ang sigaw ni Ms Elaine (contractual) mula sa bintana. PASSED na raw!

4. Ang mga kostumer ay naliligaw at nagmumukhang tanga sapagkat di nila alam ang tamang pupuntahan kapag may nilalakad sila sa FDA. Bakit? Sapagkat walang sign board o pangalan ang bawat pintuan ng opisina kung ano ang mga “name & position” kaya wala silang kaalaman kung tama ba o mali ang bawat unit ng kagawaran ng FDA na kanilang pupuntahan.

Ang paglilingkod mula sa PUSO at Maayos na Serbisyo ang dapat ituro sa kawani ng FDA lalo na sa mga contractual!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply