Foton ng inang ambulansya ‘yan!

188640_Bn75x75

NAMUMUTAKTAK ang mga bagong ambulansya mula sa Philipine Charity Sweepstakes Office.

Kahit saan ka tumingin ngayon, puro brand new ang mga umiikot, lalo na rito sa Metro Manila.

Ang dahilan, dumating na ang 350 units matapos ang sinalamangkang bidding sa PCSO.

Ang info, mister ng maimpluwensiya sa PCSO ang nag-ahente sa mga ambulansya na binili ng gobyerno sa halagang P920,000 bawat isa kahit ang kalidad nito ay parang pang-P620,000 lamang.

Ibig sabihin, sa presyong halos isang milyong piso, loaded na ambulansiya na sana ang nabili para puwedeng pakinabangan ng mga kababayang nangangailangan ng saklolong-medikal.

Ang balita natin, dapat ay dumating na ang panibagong 750 units ngayong bago matapos ang taon pero mukhang hindi pa natatapos ang “ayusan.”

Wala tayong kuwestiyon kahit pa pinagkakitaan pa ng ahenteng mister ang mga ambulansya na ito na gawa ng Foton.

Pero ayon sa mga doktor na nakausap natin, masyadong ginarapal ang pagkakabili ng PCSO dahil mukhang hindi ambulansya ang naibigay sa kanila kundi parang karo
ng patay!

Nito lamang isang linggo, nakarating sa ating kaalaman ang pagkadismaya ng mga doktor dahil mula sa isang ospital sa Quezon City na hindi muna natin babanggitin, dumanas sila ng matinding problema sa Foton ambulance.

May emergency case sila na dapat dalhin sa UST Hospital.

Habang nagmamadali ang mga attending nurse para isakay ang pasyente, hindi nila mabuksan ang pintuan.

Kinailangan pa nilang tungkabin  para lang mabuksan ang Foton ambulance.

Along the way, hindi magamit ang wangwang dahil parang nakalunok ng rambutan ang sirena at malakas pa ang utot ng ahenteng mister.

Hindi pa man umaabot sa Quezon Avenue, nawala na ang tunog ng sirena.

At ito ang mas matindi, bago makapasok sa compound ng UST Hospital, tumirik ang Foton ambulance. Hindi ko alam kung buhay pa o dead on arrival na iyong isinugod na pasyente.

Naaltapresyon ang doktor sa konsumisyon dahil ang ambulansya, walang kalaman-laman na aparato para sa mga amergency cases.

Foton ng ina namang ambulansiya ‘yan!

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply