Freedom of Information bill pirmado na sa komite

PORMAL nang nilagdaang ng mga miyembro ng House Committee on Public Information ang committee report ng Freedom of Information bill.

Susunod na hakbang dito ay iaakyat na ang committee report sa House Committee on Rules para maitakda na ang araw ng pagtalakay nito sa plenaryo.

Samantala, hindi nakadalo sa pagdinig ng komite ang chairman na si Eastern Samar Rep. Ben Evardone dahil dumadalo ito sa UN Convention.

Ang humalili muna kay Evardobne ay si Ifugao Rep. Teddy Baguilat.

Bago ang pirmahan ay nagkaroon muna ng diskusyon ang mga miyembro ukol sa committee report kung saan iginiit ni Camiguin Rep. Pedro Romualdo na isama ang mga pribadong kumpanya sa FOI bill.

Iginiit naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na higpitan ang ipapataw na parusa sa mga lalabag sa batas dahil outdated na ang penalty sa bansa.

Nauna nang inaprubahan sa committee level ang FOI  bill sa botong 17 affirmative, 3 ang negative at 1 abstention.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply