Freeze order sa yaman ng founder ng pyramiding suspek pinalawig ng korte

PINALAWIG ng Court of Appeals ang freeze order laban sa bank accounts ng  founder ng Aman Futures Group Philippines Inc. na si Manuel Amalilio at board of directors nito.

Ayon kay Prosecuting General Claro Arellano sa isinagawang pagdinig kanina sa korte, napagdesisyunan ng CA 4th division na palawigin hanggang 6 na buwan ang freeze order laban sa bank accounts ng Aman Futures.

Aabot naman sa 25 bangko ang sakop ng inilabas na freeze order gaya ng Allied Bank, BDO, Bank of Commerce, BPI, China Banking Corp., Citibank, DBP, East West Bank, HSBC, LandBank, Maybank, Metrobank, PSB, RCBC, Standard Chartered, PNB, Union Bank at iba pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply