Freeze order sa yaman ng sinasabing financier ng mga terorista, inalis ng korte

HINDI na pinalawig ng Court of Appeals ang freeze order laban sa lahat ng bank accounts ng isang hinihinalang financier ng international terror group na Jema’ah Islamiyah (JI).

Sa isang resolusyon na isinulat ni Justice Mariflor Punzalan Castillo, ng Former 1st Division ng CA, tinapos na nila ang kaso laban kay Eduard Guerra, alyas Abraham Yap Alonto, at misis nitong si Jocelyn at isang Joseph Allan Jungoy Chan.

Ito ay matapos na mag-expire na rin ang anim na buwang freeze order na inilabas laban sa bank accounts at iba pang may kaugnay na web accounts ng mga ito.

Ang freeze order ay may kaugnayan sa petisyon ng Anti Money Laundering Council noon, kung saan nakasaad na ang mga nasabing bank accounts ay ginagamit pangsuporta sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Si Guerra, senior member ng central committee ng MILF, na naaresto noong September 2010 kaugnay ng kasong may kaugnayan sa terorismo kasunod ng mga pag-atake sa ilang government detachment.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply