Galit kay misis, mister sinilaban ang sarili

SUNOG ang buong katawan ng isang mister nang magbuhos ng gasolina saka sinilaban ang sarili dahil sa sobrang galit sa kanyang misis sa Koronadal City.

Kinilala ang biktima na si Arnel Caras, ng Lake Sebu, South Cotabato.

Sa imbestigasyon, bago ang insidente ay nag-away ang biktima at kanyang misis na si Marissa sa hindi pa malamang dahilan.

Pero dahil sa sobrang galit ay kumuha si Caras ng isang bote ng gasolina saka ibinuhos sa kanyang katawan at sinindihan gamit ang posporo.

Nagawa namang maapula ng mga nakakita ang nagliliyab na katawan ng biktima saka siya isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital.

Ngunit dahil sa sobrang sunog ng katawan ay patuloy pa ring ginagamot ang biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply