Gandang balita

trending-ngayon-sonny-angara

TUMAAS ng 7.1 percent ang ekonomiya ng Pilipinas nitong third quarter ng kasalukuyang taon.

Naunahan natin ang mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations.

Second-best performer ang Indonesia na 6.2 percent ang economic growth habang nasa hulihan ng listahan ang Singapore na mayroong economic growth na 0.3 percent.

Kasama po ako sa mga Filipinong natuwa bilang kabahagi ng ating gobyerno na tumutupad ng aking mga tungkulin at gawain bilang isang lawmaker.

Ang Makati Business Club na noong nakaraang administrasyon ay laging nasa unahan ng rally sa Ayala, ngayon, pinapalakpakan nila si Pangulong ‘Noy.

Kahanga-hanga naman talaga.

***

INIULAT kamakailan ng Department of Finance (DoF) na nakakolekta ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng buwis na nagkakahalaga ng P86.1 bilyon para sa buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon.

Mas mataas ng P15.6 bilyon o 22.13 porsiyento ang nasabing koleksiyon ng BIR kung ikukumpara sa nakolekta ng ahensiya sa parehong buwan ng nakaraang taon.

Nasa P858.6 bilyon na ang nakolektang kita sa buwis ng BIR simula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.

Mas mataas ng P101.81 bilyon o 13.45 porsiyento kung ikukumpara sa koleksiyon ng BIR sa parehong mga buwan ng nakaraang taon.

***

LALONG  madaragdagan ang kita ng BIR.

Noong November 19, nagkaisa ang mga senador na i-adopt ang P40 bilyon bawat taon na ta-get na kita ng gobyerno mula sa sin tax (60 porsiyento mula sa sigarilyo at 40 porsiyento mula sa alak).

Ang napagkasunduang halaga ay kompromiso sa target na P20 bilyon bawat taon ni Sen. Ralph Recto at kagustuhan ng Palasyo (sa pamamagitan ng BIR at Department of Finance) na P60 bilyon bawat taon.

Ayon kay Sen. Franklin Drilon, nakabuo sila ng consensus ng kanyang mga kasamahan sa Senado sa loob ng 45 minutong caucus matapos ang tatlong oras na pag-uusap tungkol sa reproductive health bill.

Ani Sen. Drilon, niratipika sa plenaryo ang kanilang kasunduan at mayroon silang formula sa P40 bilyon bawat taon na target na kita ng gobyerno mula sa sin tax.

***

HINDI naman savings ang kita mula sa buwis dahil maraming pinaggagamitan ang pambansang gobyerno sa perang nakokolekta.

Kabilang dito ang edukasyon, serbisyong pangkalusugan, imprastruktura, kagamitang pampubliko, pagpapatupad ng batas, pagpapanatili ng kaayusan, gastos sa operasyon ng gobyerno, at iba pang mga serbisyong panlipunan.

***

NBA naman pero numero pa rin.

Nakagawa ng assists record si Rajon Rondo ng Boston Celtics sa kanilang laban kontra Detroit Pistons.

Ang 10 assists ni Rondo sa nasabing laro ang pang-34 na sunod na sunod na hindi bababa sa 10 ang kanyang assists.

Alam ko na tumatanda na ako nang sabihin ni Rondo na hindi pa siya ipinapanganak nang si Magic Johnson ay makapagtala ng assists record noong 1983-1984 NBA season.

Well, ganu’n talaga.

***

Para sa mga reaksiyon at komento, mag-e-mail sasonny@sonnyangara.com.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply