Gangnam pasko dance vs paputok, inilunsad ng DOH

gangnam-vs-firecrackers

MULING isinusulong ng Department of Health (DOH) ang total firecracker ban ngayong Holiday season, partikular na sa pagsalubong sa taong 2013, gamit ang sikat na Korean pop song na ‘Gangnam Style.’

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, may nakarating sa kanilang impormasyon na plano ng mga manggagawa ng paputok na gumawa ng high-powered firecracker na papangalanan nitong Gangnam, na isang sikat na Korean pop song.

Dahil dito ay inunahan na umano nila ang mga ito at ginamit din ang Gangnam upang umapela sa publiko, partikular sa mga bata, na huwag gumamit ng paputok ngayong Pasko at Bagong Taon.

“Gangnam Pasko pa din, nakarinig kami gagawa sila ng paputok na Gangnam. Uunahan na namin sila ng Gangnam Pasko dance. Umaapela yun sa bata,” ani Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC).

Kaugnay nito, sa isang programa sa telebisyon ay nag-perform pa si Tayag ng Gangnam dance para tutulan ang paggamit ng paputok.

Iginiit rin naman ni Tayag na patuloy pa ring ikinakampaniya ng DOH ang paggamit ng pinakaligtas na paputok sa buong mundo o ang ‘Goodbye Paputok.’

Ang naturang Goodbye Paputok na inisyu nila noong nakaraang taon ay isang CD na nagpapatugtog ng mga sound effects ng iba’t ibang uri ng fireworks tulad ng 5-star, watusi, super lolo at whistle bomb.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply