Gardenia employee huli sa pagnenok ng tinapay

crime7

HULI ang isang empleyado ng Gardenia Company nang magpuslit ng mga tinapay na sinasabing dahilan ng pagkalugi ng sangay sa Naga City.

Kinilala ang suspek na si Neil Albert Beriso, nahuli sa isinagawang entrapment operation ng PNP sa Barangay Concepcion, naturang lungsod.

Huli sa akto si Beriso na tinatangay ang apat na slice breads na nagkakahalaga ng P400.

Nabatid na ilang buwan nang nagpupuslit ng mga tinapay si Beriso kung saan umabot na sa P300,000 ang pagkalugi ng naturang sangay dahil sa pagnanakaw nito.

Sasampahan ng kaukulang kaso si Beriso na kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply