Gasolinahan hinoldap, P200K natangay

holdap

HINOLDAP at natangay ang tatlong araw na benta ng isang gasolinahan ng dalawang hindi pa kilalang suspek na nakasuot ng helmet sa Caloocan City, Lunes ng umaga.

Umabot sa P206,000 ang natangay sa Uno Gas Station sa Sacred Heart Village, Quirino Highway ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga, pumasok ang mga suspek sa opisina ng nasabing gasolinahan at agad na tinutukan ng baril ang mga tao sa loob.

Kinuha ng mga suspek ang pera sa vault at sa kaha.

Agad na tumakas ang mga suspek matapos ang maisagawa ang pakay.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply