Gay marriage binatikos ng Santo Papa

Pope-Benedict-XV!

BINATIKOS ni Pope Benedict XVI sa kanyang Christmas message ang same-sex marriage at pag-aampon ng bata para masabi na sila ay isang ‘buong pamilya’.

Sinabi ng Santo Papa, na minamanipula ng mga taong nabanggit ang ibinigay na kasarian ng Panginoon para sa pagpili sa kanilang sekswalidad.

Sa pamamagitan aniya nito ay nasisira ang tunay na kahulugan ng pagiging tao.

Napag-alaman na ang Christmas message ngayon ni Pope Benedict ay kaugnay sa pagsusulong ng family values sa harap ng puspusang kampanya sa mga makapangyarihang bansa kagaya ng Amerika, France at Great Britain na gawing ligal ang gay marriage.

Sinabi ng Santo Papa, na ang pagbibigay ng karapatan sa mga bakla na magpakasal sa kapwa lalaki at payagang mag-ampon ay isang paglapastangan sa tradisyunal na pamilyang binubuo ng isang ina, ama at mga anak.

Una nang sinabi ni Pope Benedict sa kaniyang peace message na inilabas noong nakaraang linggo na kagaya ng abortion at euthanasia, ang gay marriage ay banta sa pandaigdigang kapayapaan, bagay na inalmahan naman ng mga nagsusulong ng karapatan ng LGBT community.

Nitong taong kasalukuyan, napag-alaman na sa Espanya, na isang Catholic country, ay naging ligal na ang same-sex marriage.

Ang British government ay inanunsyo rin na sa pagpasok ng 2013 ay ihahain ang batas na nagsusulong na gawing ligal ang pagpapakasal ng parehong kasarian.

Sa France, mismong si President Francois Hollande ay pabor na bigyan ng pantay na karapatan ang sinuman na magpakasal.

Isa pa sa mahigpit na tinututulan ng lider ng Simbahang Katolika ay ang pagkakaroon ng karapatan ng same-sex couple na mag-ampon ng bata.

Nagmimistula na lang aniya isang bagay ang bata na kahit sino ay may karapatang magkaroon nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply