Gen. Purisima opisyal nang umupo na PNP chief

PORMAL nang umupo si Deputy Director General Alan Purisima bilang hepe ng Philippine National Police Martes ng umaga.

“Ang inyong Pambansang Pulisya ang magpapakita ng magandang ehemplo, dunong at galing.” pahayag ng bagong PNP chief.

Sa kanyang talumpati, nagpasalamat si Purisima sa pagkakataong ibinigay sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino na pamunuan ang pulisya at nangakong makakatuwang siya sa pagsusulong ng “tuwid na daan”.

“Ang daang matuwid na itinataguyod ng ating mahal na Pangulo at hangarin din ng ating mga kababayan ay atin ding tatahakin.”

Tiniyak naman ni Purisima kanyang ipagpapatuloy ang mga nasimula ng nagretirong PNP chief na si Nicanor Bartolome para mapabuti ang kanilang hanay.

Agad ding nagbanta si Purisima sa mga opisyal at mga tauhang gumagawa ng katiwalian sa pagsasabing: “Umalis na kayo ngayon pa lang.”

Kumpiyansa naman si Pangulong Aquino na magagampanan ni Purisima ang kanyang mga tungkulin at pangunahing hamon niya rito ang pagtitiyak ng kaayusan at kapayapaan sa eleksyon sa 2013.

“Mataas ang kumpiyansa kong papanig lamang siya sa tama at tihadong makakapagdulot siya ng katangi-tanging pagbabago sa hanay ng kapulisan kumpara sa sistemang aming minana.”

“Ang hangad natin, magsilbing bantayog ng dangal at integridad ang buong kapulisan at matagumpay niyong mapanatili ang kapayapaan at katahimikan lalo na sa darating na halalan. Ito na marahil ang unang hamon sa inyong bagong liderato. Umaasa ang taumbayan na maitataguyod natin ang kaayusan mula sa kasagsagan ng kampanya hanggang maidaos ang halalan.”

Bagama’t aminadong magiging mahirap ang unang utos ng Pangulo, tinanggap naman ni Purisima ang hamon sa eleksyon.

“Alam ko pong mas mabigat pa ang haharapin nating pagsubok sa mga susunod na araw lalo na ang paghahanda sa halalan. Ako po ay nananalig sa ating organisasyon na kaya nating gampanan nang mahusay ang ating adhikain. Serbisyong makatotohanan, ‘yan ang ating inspirasyon para sa darating na halalan.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply