Gerilya vendors sa Baclaran, may basbas ng pulis

MATITIGAS ang ulo ng mga vendors sa Baclaran sa kabila ng Vendors segregation scheme na ipinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority sa lugar dahil pinababayaan sila ng mga pulis sa lugar.

Nagsisiksikan pa rin ang mga vendors sa Redemptorist at Service road sa Roxas Blvd sa harapan ng Baclaran church lalo na kung sasapit ang gabi na wala na ang mga nagbabatay na tauhan ng MMDA. Hindi na rin nagsssusuot ng mga ID ang mga vendors upang malaman ang mga lehitimong vendors at hindi, kayat isa itong mensahe sa mga awtoridad na mas marami ang mga iligal na vendors kaysa sa mga lehitimo na nais sumunod sa batas.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kailangan umanong magsagawa ng adjustment ang ahensya para mapasunod ang mga ‘gerilya vendors’ na binabalewala ang ID system at mga linya para limitahan ang lugar ng pagtitinda.

Hindi naman sinabi ni Tolentino kung ang adjustment ay ang paggamit ng pwersa upang mapasunod ang mga vendors , na hindi lamang lumabag sa napagkasunduan sa naunang pagpupulong kungdi nagiiwan pa ng mga kalat sa kalsada  gaya ng mga plastic bags na babara sa mga kanal .

Isa sa mga nakikitang dahilan kung bakit malalakas ang loob ng mga vendors na sumuway sa MMDA ay ang pagpapabaya ng mga pulis sa lugar  dahil diumano ay nagbibigay ng “tong” ang mga vendors sa mga ito, at kung hihina ang benta ng mga vendors ay maapektuhan ang kita ng mga ito , ayon sa isang opisyal ng MMDA na tumangging ipalagay ang kanyang pangalan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply