Gift wrappers, gamitin ulit

gift-boxes-wrappers

ITAGO at muling gamitin ang mga pambalot ng mga regalong natanggap ngayong Pasko at Bagong Taon. Ito ang panawagan ng grupong EcoWaste Coalition sa mga mamamayan ngayong Holiday season na tradisyon na sa mga tao ang magbigayan ng regalo.

Ayon kay Tin Vergara, Zero Waste Campaigner ng grupo, hindi dapat na basta na lamang punitin, lamukusin at itapon ang mga gift packaging dahil maaari pa itong mapakinabangan.

Paliwanag nito, ang pagtatago at muling paggamit ng mga gift packaging ay makatutulong upang mabawasan ang mga ‘holitrash’ o holiday trash at maiwasan ang environmental degradation.

“We urge recipients to value not only what is inside the gift, but also the materials used to wrap it,” ani Vergara. “A little creativity will help in trimming down the volume of packaging materials sent to dumpsites or landfills for disposal. Holitrash could be a whole lot less if we opt to reuse and recycle some, if not all, of it.”

Sinabi pa ng grupo na ang mga bag, kahon, cards, hampers, packets, wrapper at mga ribbons na ginamit sa mga natanggap na regalo ay maaaring gamitin sa iba’t ibang pamamaraan.

Inihalimbawa nila ang mga Christmas paper o plastic gift bags na maaaring gamiting carry bags o pouches para sa school supplies, class projects, mga pangangailangan sa opisina at iba pa. Ang Christmas gift boxes naman ay maaaring gawing organizer para sa maliliit na laruan, trinkets at iba pang kutkutin, mga larawan, mementos, sewing kit, CDs at DVDs, at taguan ng bills.

Ang mga Christmas card naman ay maaaring gawing bookmarks at gift tags o mga eco-art at materyales para sa Christmas card tree at iba pang dekorasyon para sa susunod na Pasko habang ang mga Christmas hampers naman, partikular ang mga native basket o plastic tray ay maaari ring gamiting containers para sa sariwang prutas, processed snacks, ornamental plants, at iba pa.

Sa kabila naman nito, sinabi ng grupo na mas mabuti pa nga kung huwag na lamang balutin ang regalo.

“While there are countless ways of reusing and recycling Christmas packaging, it is more ecological not to wrap gifts at all,” anang EcoWaste Coalition. “Gifts from the heart need not unreasonably consume our earth’s diminishing resources.”

Batay sa government data, ang Metro Manila ay nakakapag-produce ng 8,600 toneladang basura araw-araw o 50% food at organic discards: 25% plastic; 12% papel; 5% metal; 3% glass; 1% hazardous waste at 4% residual waste, at halos dumoble ito sa panahong may okasyon, tulad ng Pasko at Bagong Taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply