Ginang arestado sa tangkang pagpuslit ng shabu sa piitan

NABUKING ng mga babaeng jail guard ang bitbit na “shabu” ng 42-anyos na ginang nang makitaan nila ito sa maselang parte ng katawan ng shabu na tangkang ipasok sa loob ng Pasay City Jail kanina sa Pasay City.

Inaresto si Rena Ariola, ng 126 P. Gomez St., Pamplona, Las Piñas City makaraang hindi akalain na sinusuri ng mga jail guard maging ang pinakamaselang parte ng katawan ng mga babaing dalaw kaya’t pumayag siyang ipuslit ang shabu kapalit ng halagang P500 na ibinayad umano sa kanya ng asawa ng dadalawin niyang bilanggo.

Ayon kay Sr. Supt. Brendan Fulgencio, warden ng Pasay city jail, nagpanggap na dalaw si Ariola ng bilanggong si Hero Abdulah na may kasong pagtutulak ng ilegal na droga dakong ala-1:47 kaya’t isinailalim muna siya sa pagrerekisa nina JO2 Edna Iglesia, JO1 Lawela Pinera at JO1 Melanie Doble.

Napuna na umano ng mga babaing jail guard ang pamumutla at matinding kaba ni Ariola habang masusi siyang kinakapkapan kaya iniutos sa kanya na ibaba ng hanggang tuhod ang suot niyang pants at panty.

Sinunod naman ng ginang ang utos ng mga jail guard subalit nang busisiin na ang maselang parte ng katawan, dito na nakita ang isang maliit na plastic na binalutan ng masking tape na natuklasang naglalaman ng hindi pa batid na dami ng shabu.

Sinabi ni Ariola na inutusan lamang siya ng asawa ni Abdulah na isang alyas Isaya na ipuslit papasok ang shabu kapalit ng P500 na ibinayad sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply