Ginang kulong sa shabu

behind-bars-4

KULONG ang isang ginang matapos makuhan ng shabu ng mga pulis habang papalabas sa eskinita sa Navotas kahapon, Disyembre 14.

Nakilala ang suspek na si Flordeliza Gozon, 34 ng A. Cruz st., Tangos ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon, magsasagawa ng entrapment operation ang mga pulis sa isang alyas Madam sa nasabing lugar.

Nakita ng mga pulis ang suspek na nagmamadaling papalabas ng eskinita kung saan nakatira si Madam at nang kapkapan ay nakuhanan ng isang sachet ng shabu.

Agad na dinala sa presinto si Gozon kung saan nakatunog si Madam na agad naman naglaho.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply