Ginang na taga-Bacolod, kumubra ng P45-M jackpot sa lotto

lotto

HINDI napigil ng “super typhoon” Pablo ang paglipad patungong Maynila ng isang 59-anyos na ginang mula sa Bacolod upang kubrahin ang mahigit P45 milyon premyo na solong napanalunan nito sa 6/45 Mega lotto na binola noong Nobyembre 28 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Personal na tinanggap ng ginang kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II ang tsekeng may kabuuang halagang P45,150,082.20 na katumbas ng kombinasyong 20-22-12-08-14-21 na tinayaan niya ng halagang P20 sa pamamagitan ng lucky pick.

Ayon sa ginang, ilalagak niya sa bangko ng lima niyang anak ang tig-P1.5 bukod sa donasyong ipagkakaloob niya sa simbahan. Ang nalalabi aniyang salapi ay ibibili niya ng bahay at lupa at pagpapalago ng kanyang carinderia.

Kaugnay nito, sinabi ni Rojas na tinamaan din ng isang mananaya mula sa Baliuag, Bulacan ang 6/45 Mega lotto na binola kamakalawa ng gabi na may kabuuang premyong P8,536,080.60 matapos masapol ang lumabas na kombinasyong 04-26-18-14-03-09 habang wala isa man ang nakakuha sa kombinasyong 50-08-29-07-55-01 ng 6/55 Grand lotto na may kabuuang premyong P30,000.000.00.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply