Ginastos sa maagang pangangampanya tapatan ng donasyon sa ‘Pablo’ victims

HINAMON ni Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez ang mga politikong sangkot sa premature campaigning na tapatan ng donasyon sa mga biktima ni bagyong Pablo ang kanilang ginagastos sa kanilang maagang pangangampanya para sa 2013 midterm elections.

Ang hamon ay ginawa ni Jimenez sa kanyang Twitter account.

“Dear prematurely campaigning politicians: I invite you to match your spending on these campaign materials with a donation to Pablo’s victims,” tweet ni Jimenez.

Mahigit 1,000 katao ang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Pablo sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao at bilyong piso ang halaga ng mga ari-arian at pananim na napinsala.

Ilang buwan pa naman bago ang panahon ng kampanya ay marami ng kandidato ang gumagastos na ng malaki at nagpaparamdam sa publiko sa pamamagitan ng mga patalastas sa radyo at telebisyon, gayundin sa mga social networking sites.

Nanawagan na rin naman ang Comelec sa mga naturang kandidato na umiwas sa premature campaigning ngunit binabalewala lamang ito ng ilan sa kanila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply