Ginebra vs RoS; Matira ang matibay

ISA ang matitira at isa ang uuwing luhaan sa pagitan ng Rain or Shine Elasto Painters at crowd favorite Brgy. Ginebra Gin Kings sa kanilang do-or-die match bukas sa Smart Araneta Coliseum.

aagawan ng Elasto Painters at Gin Kings ang huling silya para sa semifinals bukas ng alas singko ng hapon upang harapin ang naghihintay na San Mig Coffee Mixers sa nagaganap na PBA Philippine Cup.

Nauna ng sumampa sa semis ang Mixers matapos nilang patalsikin ang Petron Blaze Boosters sa quarters.

Nakapuwersa ng rubber match ang Ginebra sa matikas na depensa ni Rudy Hatfield sa end game upang kaldagin ang Rain or Shine, 79-77 na ginanap sa nasabing venue kagabi.

Naagaw ni Hatfield ng ipasa ni Gabe Norwood ang bola kay Jervy Cruz may 2.4 seconds na lang para iporma 1-1 serye.

Samantala, kasado na sa semis ang Talk ‘N Text Tropang Texters kontra Alaska Aces matapos nilang pagpagin ang kanilang nakatunggali.

Tinalbos ng TNT ang Air21 Express at sa unang laro kagabi ay ginapi ng Aces ang Meralco Bolts.

Bago nag-umpisa ang quarterfinals ay may insentibong twice-to-beat advantage ang Talk ‘N Text at San Mig Coffee.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply