GMA sa kapwa mambabatas: Pagtulong sa mga biktima ni Pablo, unahin

GMA-2

UMAPELA si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa kaniyang mga kapwa mambabatas sa Kamara at Senado na unahin ang pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong Pablo.

Paliwanag ni GMA na hindi naman umano makasasama kung uunahin ang pagtugon sa mga biktima ng bagyo at lumiban muna sa trabaho sa lehislasyon.

Ani Arroyo, ngayong panahon ng kalamidad ay kailangan ng mga apektadong residente ang kani-kanilang mga kongresista.

Iginiit ni GMA na ngayon ang panahon para magkaisa ang mga opisyal ng gobyerno para protektahan ang buhay ng mga mamamayan.

Mula noong Lunes ay naging abala na ang dalawang kapulungan ng Kongreso sa pagtalakay sa mahahalagang panukalang batas, kabilang na ang kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Kasabay nito nagpaabot ng pakikiramay si GMA sa lahat ng mga namatay dahil sa bagyong Pablo lalo na sa Visayas at Mindanao.

Si GMA ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa kasong plunder dahil sa umano’y paglustay sa intelligence funds ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply