GMA sa VMMC magpapasko

gma-4

THE Minority is very sad”

Ito ang ipinahayag ni House Minority Leader Danilo Suarez bilang reaksyon sa pagbasura ng Sandiganbayan sa petisyon ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makapag-pasko sa labas ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC).

Hindi pa man natatapos ang press conference ng minorya nang ilabas ng Sandiganbayan First Division ang siyam na pahinang desisyon ukol sa pagbasura sa kahilingan ni GMA.

Unang nagpetisyon ang mga abogado ni GMA na siya ay payagang makapg-pasok sa Lubao, Pampanga kasama ang kaniyang mga constituents gayundin ang kaniyang pamilya mula December 21 hanggang January 7, 2013.

Ang dahilan ng Sandiganbayan ay “lack of merit.”

“Ano ba naman ang kasalanan ng tao ay hindi pa naman siya sentensyado. Hindi naman siya security risk at maysakit,” giit pa ni Suarez.

Kagabi ay nagtungo sa VMMC ang may 23 miembro ng minorya upang mag-party kasama si GMA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply