Gobernador sa Nigeria state, todas sa helicopter crash

TODAS sa malagim na trahedya ang gobernador sa estado ng Kaduna sa Nigeria matapos bumagsak ang sinasakyan niyang helicopter sa southern delta region kaninang umaga.

Batay sa ulat, kasamang namatay ni Governor Patrick Ibrahim Yakowa ang dating national security adviser na si Gen. Owoye Azazi.

“The nation has lost a great patriot who in about two years in saddle as the Governor of Kaduna State demonstrated an unyielding capacity in wielding together varying fragile interests,” saad ng Peoples Democratic Party.

Pag-aari ng Nigerian navy ang nasabing helicopter na patungo sana sa Port Harcourt pero minalas na bumagsak sa Bayelsa state.

“Nigeria has a poor air safety record,” wika ng ilang analysts.

Sa ngayon,  patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing plane crash.

Noong buwan naman ng Marso nang bumagsak ang isang police helicopter naman na ikinamatay ng isang high-ranking police official at apat pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply