‘Good health’ gusto ng Pinoys na regalo sa Pasko

diarrhea1

HIGIT na nakararaming Pilipino ngayong Pasko ang gustong magkaroon ng magandang kalusugan kumpara sa makatanggap ng pera o materyal na regalo.

Ito ang lumabas sa isinagawang Survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Dec 8 hanggang 11, sa 1,200 respondents sa mga piling lugar sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

Batay sa survey, 64 porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabing masaya sila ngayong Pasko habang 9 percent lamang ang malungkot ngayong holiday season.

Tumaas naman ng 46 percent ang mga Pinoy na nagnanais na makatanggap ng hindi materyal na bagay ngayong Pasko kumpara sa 33 percent na naitala noong 2011.

Kapansin-pansin din ang pagtaas ng mga nagnanais na magkaroon ng magandang kalusugan na nasa 25 percent kaysa sa 17 percent noong nakaraang taon.

Samantala, bumaba naman sa Mindanao ang nagsabing masaya sila ngayong Pasko dahil na rin sa bagyong Pablo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply