Gov. Espino ipinagtanggol ng Pangasinan Police OIC Sr. Supt. Versoza

IPINAGTANGGOL ni Sr. Supt. Mariano Luis Versoza, officer-in-charge (OIC) ng Pangasinan Police  na walang naiulat na sangkot ang gobernador sa ilegal na sugal.

Ayon kay Versoza, posibleng ang naibulgar na insidente ay noong 2011 na isiniwalat ni Bugallon, Pangasinan Mayor Rodrigo Orduña, na kaalitan ng gobernador.

Nilinaw ni Versoza na walang information na dumadating sa kanila at kung mayroon man nakalap na ulat sa intelligence umano nila ipinapasa at ipinararating  kaagad sa taas.

Sinabi pa ni Versoza na nang dumating siya sa Pangasinan noong July, wala nang jueteng sa Pangasinan kundi may pumalit na ibang klaseng sugal na “jai-alai.”

“Kaya yung sinasabi ni Mayor Orduña, that’s what way back 2011 nung sila ay nagkasamaan ng loob,” paliwanag pa ni Versoza.

Matatandaang naghain ng kasong plunder sa Office of the Ombudsman sina Orduña at Barangay Captain Fernando Alimagno alyas “Boy Bata” laban kay Espino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply