Gov. Espino sangkot sa jueteng – Obispo

oscar-cruz-3

NANINIWALA si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na sangkot si reelectionist Pangasinan Governor Amado Espino, Jr., sa jueteng operations sa naturang lalawigan.

Si Cruz ay kilalang anti-jueteng advocate at dati ring pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Ayon kay Cruz, matagal na nilang batid na protektor ng jueteng si Espino dahil taong 2010 pa ay nasa listahan na umano nila ito.

“Matagal na po yan, 2010 pa nasa listahan na namin siya at alam niya po yun,” ani Cruz, sa panayam sa radyo.

Ibinunyag pa ni Cruz na bukod sa gobernador ay marami pa umanong lokal na opisyal ang sangkot sa jueteng.

Pinabulaanan din ng arsobispo ang pahayag ng Pangasinan Police na matagal nang “jueteng-free” ang lalawigan dahil ginagawa lamang umano nitong front ang ibang sugal tulad ng small town lottery (STL) at jai-alai.

Naniniwala rin umano siya na nagsasabi ng totoo si Bugallon Mayor Rodrigo Orduña na unang nagbulgar sa pagkakasangkot ng gobernador sa jueteng at posible aniyang onsehan sa pera ang dahilan kung bakit isiniwalat ng alkalde ang nalalaman nito hinggil sa iligal na sugal.

Umaasa naman ang arsobispo na sa pamamagitan ng expose ni Orduña ay tuluyan nang masusugpo ang jueteng sa bansa.

Nanawagan pa ito sa iba pang taong may nalalaman hinggil sa jueteng na lumutang na rin upang mapanagot ang mga taong nasa likod ng illegal numbers game.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply