Gov. Garcia magba-Bagong Taon sa kapitolyo

cebu-gov-garcia

POSIBLENG sa kapitolyo magdiwang ng Media Noche si Cebu Governor Gwen Garcia matapos ang hindi pag-aksyon ng Court of Appeals (CA) sa inihain nitong petisyon.

Sa petisyon ni Garcia, hiniling nito na mabigyan ng Temporary Restraining Order (TRO) ang ipinataw sa kanyang 6-months preventive suspension ng pamahalaan.

Nabatid na hanggang sa Enero 2, 2013 ay on leave pa rin ang mga mahistrado ng CA na may hawak sa petisyon ng gobernadora.

Si Associate Justice Vicente Veloso, Chairperson ng CA 12th Division na ponente sa petisyon at Associate Justice Aurora Jane Lantion ay nasa decision writing week leave at sila ay babalik sa Enero 2 pa.

Ibinibigay ang decision writing period sa mga mahistrado upang mabigyan sila ng sapat na pagkakataon na mapag-aralang mabuti at tapusin ang mga kaso sa kanilang sala.

Ang gobernadora ay dumulog sa CA upang pigilan ang 6-month suspension na ipinataw sa kanya kaugnay ng administrative case noon pang 2010 na inihain ni dating vice governor Gregorio Sanchez, Jr. na nag-aakusa kay Garcia ng pag-abuso sa kapangyarihan at pagputol sa budget sa kanyang opisina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply