Gov. Garcia pumasok sa Cebu Prov. Capitol kahit suspendido

cebu-gov-garcia

KAHIT na suspendido epektibo ngayong araw, pumasok pa rin sa kapitolyo si Cebu  Gwendolyn Garcia.

Ikinagulat ng media at ng mga empleyado ng kapitolyo ang pagdating ng gobernador pasado alas alas-11:00 ng tanghali kanina.

Nakipagpulong pa si Garcia sa mga negosyanteng Filipino-Chinese.

Sinuspinde ng Malakanyang si Garcia dahil sa umano’y pag-abuso nito sa kapangyarihan at hindi paglalabas ng pondo ng tanggapan ng bise gobernador sa nasabing lalawigan.

Ang suspensyon ay kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas  na pasado alas-8:00 ng umaga nang isilbi ang anim na buwang suspension ng regional director ng DILG.

Bigo namang maisilbi ang suspension order dahil nang magtungo ang grupo ng DILG sa Kapitolyo ay wala roon si Garcia.

Hindi rin pinirmahan ng mga staff ni Garcia ang nasabing suspension order para maging indikasyon na hindi nila natanggap ang naturang kautusan.

Kaugnay nito, nakatakdang italaga ng DILG si Vice Gov. Agnes Almendras bilang pansamantalang mamamahala sa lalawigan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply